Monday, December 11, 2017

Ang Burgesya o bourgeoisie ay isang termino sa mga salik sa paglakas ng europe. Ang mga ito ay isang kilalang klase ng panlipunan sa panahon ng Middle Ages hanggang sa katapusan ng Lumang Rehimento sa Pransya. Ito ang klase ng mga naninirahan na may mga karapatan ng pagkamamamayan at karapatang pampulitika sa isang lungsod.
         
Ito ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval france na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisano ay ang mga mangagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Sa uring panlipunan, mas mataas sa kanila ang mga landlord o panginoong maylupa. Ang terminong bourgeoisie ay ginamit upang tukuyin ang gitnang uri ng france at ng iba pang mga bansa sa Europe.
         
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker(nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipowner(nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing mamumuhunan at mga negosyante.

Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng bourgeoisie ang mga prinsipyo ng konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural right) laban sa banal na karapatan (divine right). Ang likas na karapatan ay unibersal na karapatan gaya ng karapatang mabuhay ng may kalayaan. Ang banal na karapatan ay nagtatakda na ang hari ay hindi napapasailalim sa anumang kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay nanggagaling sa diyos. Samantala, ang konstitusyonalidad ay isang kondisyon kung saan ang isang tao, grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa isinasaad ng konstitusyon o saligang batas. Ang liberalismo ay paniniwalang nag-ugat sa Europe na binibigyang-diin ang karapatan ng indibidwal.


                  

REPLEKSYON: Ang kalakaran sa panahong ito ay hindi pa rin nalalayo sa ating kasalukuyang panahon na kung saan namamayani ang bawat sektor ay may kani-kaniyang karapatan na sinusunod ng naaayon sa konstitusyon ng bansa.