Ang Burgesya o bourgeoisie ay isang termino sa mga
salik sa paglakas ng europe. Ang mga ito ay isang kilalang klase ng panlipunan
sa panahon ng Middle Ages hanggang sa katapusan ng Lumang Rehimento sa Pransya.
Ito ang klase ng mga naninirahan na may mga karapatan ng pagkamamamayan at
karapatang pampulitika sa isang lungsod.
Ito
ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval france na binubuo
ng mga artisan
at mangangalakal. Ang mga artisano ay ang mga mangagawang may kasanayan sa paggawa ng mga
kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. Sa uring
panlipunan, mas mataas sa kanila ang mga landlord
o panginoong maylupa. Ang terminong bourgeoisie ay ginamit upang tukuyin ang
gitnang uri ng france at ng iba pang mga bansa sa Europe.
Sa huling
bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie
sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker(nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipowner(nagmamay-ari ng barko), mga
pangunahing mamumuhunan at mga negosyante.
Sa ika-17 at ika-18 siglo, sinuportahan ng
bourgeoisie ang mga prinsipyo ng konstitusyonalidad at likas na karapatan (natural right) laban sa banal na
karapatan (divine right). Ang likas
na karapatan ay unibersal na karapatan gaya ng karapatang mabuhay ng may
kalayaan. Ang banal na karapatan ay nagtatakda na ang hari ay hindi
napapasailalim sa anumang kapangyarihan dahil ang kapangyarihan niya ay
nanggagaling sa diyos. Samantala, ang konstitusyonalidad ay isang kondisyon
kung saan ang isang tao, grupo ng tao o bansa ay kumikilos batay sa isinasaad
ng konstitusyon o saligang batas. Ang liberalismo ay paniniwalang nag-ugat sa Europe
na binibigyang-diin ang karapatan ng indibidwal.
REPLEKSYON: Ang kalakaran sa panahong ito ay
hindi pa rin nalalayo sa ating kasalukuyang panahon na kung saan namamayani ang
bawat sektor ay may kani-kaniyang karapatan na sinusunod ng naaayon sa
konstitusyon ng bansa.
No comments:
Post a Comment